Duterte-Duterte tandem, hindi mananalo – Trillanes

Tiwala si dating Senator Antonio Trillanes IV na hindi magwawagi sa 2022 elections ang tambalang Sara Duterte at kanyang amang si Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Trillanes, nakita na ng mga Pilipino ang kanilang “brand of service.”

Para kay Trillanes, mas gugustuhin niyang tumakbo ang dalawa para makita kung paano sila ire-reject ng mga Pilipino.


“Let them be rejected. Ako, mas prefer ko ‘yan tumakbo as vice president para dalawang Duterte ire-reject totally ng mga Pilipino” sabi ni Trillanes sa isang panayam.

Sinabi pa ni ng dating senador na gusto lamang tumakbo ni Pangulong Duterte sa pagkabise presidente para protektahan ang kanyang sarili mula sa mga kasong isinampa laban sa kanya dahil sa human rights violation sa ilalim ng kanyang administrasyon.

“It will not protect him pero alam n’yo ang attitude ko diyan is, sige patakbuhin sila, patakbuhin si Sara, presidente. Siya, as vice president, kasi naniniwala naman ako na ‘yung mga Pilipino, hindi na ito pauulitin,” ani Trillanes.

Bagamat mayroong resources ang administrasyon, ipinunto ni Trillanes na walang pambato ng administrasyon ang nanalo mula noong 1992 at nais ng mga tao ng pagbabago.

Facebook Comments