Posibleng magdulot ng panganib at kasiraan sa Pilipinas at magdala ng negatibong impresyon sa international community ang pagtakbo nina Pangulong Rodrigo Duterte at Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio
Ayon sa political analyst na si Mon Casiple, tiyak na pagpipiyestahan sa buong mundo ang Pilipinas kapag nangyari ang Duterte-Duterte tandem sa 2022, na malinaw na pagpapairal ng monarchy.
Aniya, ang naging katanggap-tanggap sa mga nakaraang eleksyon ay “one after the other” gaya ng nangyari kay dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo at ni dating Pangulong Noynoy Aquino na sinundan ang yapak ng kanilang mga magulang.
Kumbisido naman si Casiple na tatakbo sa presidential race si Mayor Sara Duterte dahil sa kaniyang ipinahihiwatig na pag-iikot sa mga lalawigan.
Una nang nilinaw ng kampo ni Mayor Sara na Hugpong ng Pagbabago na hindi pamumulitika ang ginagawa nitong konsultasyon sa iba‘t ibang partido at politiko pero hindi ito kinagat ng kanilang mga kritiko.