Duterte-Duterte tandem sa 2022 presidential elections, itinanggi ng Malacañang!

267

Malabo na ang Duterte-Duterte tandem sa 2022 presidential elections.

Ito ang nilinaw sa interview ng RMN Manila ni Presidential Spokesman Harry Roque kasunod ng espekulasyong maaaring magtandem sina Pangulong Rodrigo Duterte at anak nito na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio sa 2022 elections.


Ayon kay Roque, sa tingin niya ay magre-retiro na sa mundo ng pulitika si Pangulong Duterte at susuportahan na lang niya ang anak na si Sara.

Bagamat hindi pa batid ni Roque kung itutuloy ni Mayor Inday Sara ang planong pagtakbo bilang pangulo sa national elections, sinabi nito na ang alkalde pa rin ang pinaka-kwalipikado sa nasabing posisyon.

Facebook Comments