Duterte, inaprubahan ang franchise renewal ng 3 broadcasting company

Nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga batas na magpapalawig ng prangkisa ng tatlong broadcasting company hanggang sa susunod na 25 taon.

Inaprubahan ang franchise renewal ng SolidNorth Broadcasting System, Inc. (Republic Act 11366), Mareco Broadcasting Network, Inc. (RA 11367), at Radio Audience Developers Integrated Organization, Inc. (RA 11368).

Pinirmahan ni Duterte ang mga nasabing batas noong Agosto 8.


SBS ang pinagkukunan ng balita’t impormasyon ng mga residente sa Vigan City, Ilocos Sur at kalapit na lugar, ayon kay Representative Deogracias Victor Savellano, may-akda ng inihaing franchise extension.

Nagpapatakbo naman ng limang commercial radio stations (Crossover FM) ang MBNI sa Manila, Bacolod, Cebu, Davao, at Baguio.

Habang ang adio Audience Developers Integrated Organization ay unang nabigyan ng prangkisa noong 1995.

Facebook Comments