Duterte kay Trillanes: ‘Walang hiya ka, hindi ka lalaki’

3374

Tinawag ni Pangulong Rodrigo Duterte na shameless at abusado sa kapangyarihan si Senator Antonio Trillanes IV, sa isang speech nito sa Davao City.

Matapos ito ng paratang ni Peter Joemel Advincula na may kinalaman ang senador sa destabilization plot kontra administrasyon.


“Anong ginawa mo? Binaboy mo ang Senado. And you use that power to run after people,” pahayag ni Pangulong Duterte.

Sinabi rin ng Pangulo na gumagamit ng mga “dummy” si Trillanes para sa mga tagong yaman nito.

“Ikaw ‘yung number one na gagamit ng dummy. Lalabas rin ‘yan. Pero sabi ko walang hiya ka. Hindi ka lalaki,” ani Pangulo.

Nauna nang pinabulaanan ng senador ang akusasyon ni ‘Bikoy’ at sinabing panibagong plano na naman ito ng administrasyon kontra oposisyon.

Facebook Comments