Duterte, muling pinaalalahanan ang publiko na huwag bumili ng gamot sa mga sari-sari store

Muling nagpaalala si Pangulong Rodrigo Duterte na huwag bumili ng gamot sa mga sari-sari stores.

Sinabi niya ito sa kanyang Talk to the People kagabi kaungay sa pagpasa ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ng isang memorandum circular na naghihimok sa mga Local Government Units (LGUs) na magpasa ng ordinansa sa pagbabawal sa mga sari-sari stores na magbenta ng gamot.

Bagama’t hindi pinangalanan ni Duterte ang naturang gamot ay sinabi nito na posibleng makabili ang publiko ng gamot na tinapon na ng mga botika dahil sa expired na ito.


Naniniwala rin ito na posibleng humantong sa pagka-ospital ang sinumang bibili nito kung saan mas malaki pa ang gagagastusin.

Nagpaalala rin ang pangulo sa mga local chief executives partikular sa mga Barangay Captain na paalalahanan ang mga nasasakupan nito na huwag bumili sa mga hindi otorisadong tindahan ng gamot.

Facebook Comments