Duterte, Nakiusap Sa Kanyang Mga Kalaban Na Kalimutan Na Ang Masamang Epekto Ng Eleksyon

9

MANILA – Nakiusap si Davao City Mayor Rodrigo Duterte sa kanyang mga kalaban na kalimutan na ang masamang epekto ng eleksyon at simulan na ang pagkakasundo.Sa interview kay Duterte, sinabi niya na hindi pa rin niya iniisip sa ngayon na siya na ang panalo sa kabila ng malaking lamang sa lumalabas na partial unofficial result ng botohan.Kasabay nito, nilinaw niya na kailangan niyang hintayin ang pinal na resulta ng eleksyon bago niya ilatag ang kanyang mga plano sa bansa.Samantala… magbibigay naman ng opisyal na pahayag si Administration Bet Mar Roxas mamayang alas-10:00 ng umaga kaugnay sa kanyang presidential bid sa Liberal Party headquarters sa Cubao, Quezon City.

Facebook Comments