Duterte, nangakong pangangalagaan ang ‘fragile peace’ sa Mindanao

Sa harap ng Muslim community sa Mindanao, ipinangako ni Pangulong Rodrigo Duterte na pangangalagaan ng kanyang administrasyon ang tinawag niyang “fragile” na kapayapaan sa Mindanao.

“Allow me to take this moment to assure you that this administration will endeavor to preserve the fragile peace that we have built in this region that I call home.”

Sinabi ito ng Pangulo sa kanyang speech sa naganap na pagdiriwang ng Eid al-Fitr sa Davao City, kasabay ng pahayag niyang ipatutupad ang buong pwersa ng batas kontra sa mga magsasagawa ng anumang kaguluhan sa rehiyon.


“Any form of violence against the Muslim community or any other tribe especially those arising from religious extremism, hatred, discrimination, and misguided beliefs will never be tolerated and will be dealt with by the full force of the law.”

Umaasa naman si Duterte na magiging daan ang pagkakatatag ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) para sa mas payapa at makabuluhang relasyon ng bawat katutubo sa rehiyon.

Ang Bangsamoro region na pumalit sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM), ay resulta ng ilang taong pakikipag-negosasyon ng gobyerno sa Moro Islamic Liberation Front (MILF).

Facebook Comments