Duterte, nilagdaan na ang panukalang Philippine Space Agency (PhilSA)

Photo via Gulf Business Website

Pagbuo ng Philippine Space Agency, aprubado na ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong Huwebes, Agosto 8.

Layunin ng R.A. 11363 na itatag ang Philippine Space Agency (PhilSA) at Philippine Space Development and Utilization Policy.

Ang PhilSA ay naglalayong mamahala sa lahat ng aktibidad na tungkol sa siyensya ng kalawakan, teknolohiya at mga aplikasyon.


Kasama rin dito ang implementasyon ng mga polisiya sa bansa, pag-aaral ng mga eksperto at programa na patungkol sa kalawakan.

Pangangasiwaan din ng ahensya ang ipapadala sa mga forum, organisasyon at kasunduan.

Ayon kay Dr. Rogel Mari Sese, astrophysicist at punong tagapagtaguyod ng polisiya, ito ang kauna-unahang pagkakataon na makakalahok ang bansa sa pangkalawakan na komunidad.

“It marks the Philippines’ official entry into the Space Age and as member of the global space community,” ani Sese.

“This has been the work of numerous people, institutions, stakeholders, and legislators in order to make the country’s space aspiration a reality,” dagdag niya.

Ang kauna-unahang kurso na inilunsad sa bansa ay ang Bachelor of Science in Aerospace Engineering ng Ateneo de Davao University nitong 2018.

Facebook Comments