Duterte sa kabila ng pambabatikos sa Simbahan: ‘I am a deeply religious person’

PHOTO COURTESY: SONSHINE MEDIA

Bagama’t ilang ulit tinirada ang Simbahang Katolika, relihiyon, at Diyos, iginiit ni Pangulong Rodrigo Duterte na isa siya relihiyosong tao.

Sa programa sa telebisyon ng pastor na si Apollo Quiboloy, Miyerkules, sinabi ng Pangulo na Bibliya ang gabay niya sa buhay.

“You might think that just because I quarrel with the cardinals and bishops that I am irreverent, I could be a sacrilegious guy, hindi kaya.


“Kilala ako ni pastor (Quiboloy), I am a deeply religious person, sa totoo lang. And my guiding light, alam ni pastor, is the Bible,” aniya.

Nabanggit pa ni Duterte ang tungkol sa paborito niya umanong aklat ng Ecclesiastes tungkol sa tamang panahon na inirekomenda niya sa mga manonood.

Inalala niya rin ang paraan umano ng pagdidisiplina sa kaniya ng ina noon na aniya tatlong araw siyang pinaluluhod sa harap ng altar.

“I think I have a special bond with Jesus Christ. I told him we are both suffering. I don’t know about yours but me, my mother, I will sue her one day,” patawang sabi ng Pangulo.

Si Duterte na isang Katoliko ay matatandaang tinawag na “most hypocrital insitution” sa bansa ang Simbahan, kaugnay ng pagtutol nito sa war on drugs sa bansa at iba pang anti-criminality campaign

Inakusahan niya rin ang ilang pari ng korapsyon at pang-aabuso.

Sinabi niya rin na “useless” ang mga obispo at nang-engganyo pang pagnakawan at patayin ang mga ito, na kalaunan ay binawi niya at sinabing “joke” lang.

Bukod dito, tinawag niya ring “stupid” ang Diyos ng kaniyang mga kritiko.

Facebook Comments