Duterte supporter na si Cardema, sinibak na ni PBBM sa NYC

Pinalitan na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., si Duterte Youth Leader Ronald Cardema bilang Chairperson ng National Youth Commission (NYC).

Si Cardema ay kilalang Duterte supporter na namumuno sa NYC simula pa noong 2018.

Papalit kay Cardema bilang bagong pinuno ng NYC si Joseph Francisco Ortega.


Si Ortega ay naging Regional Director ng Department of Tourism (DOT) Region 1 noong 2019, kung saan pinamunuan niya ang ilang proyektong nagsusulong ng regional tourism at sustainable development.

Ayon sa Malacañang, ang pagtatalaga kay Ortega ay bahagi ng pangako ng administrasyon na bigyang kapangyarihan ang mga kabataang Pilipino at tiyakin na ang kanilang mga boses ay kinakatawan sa pinakamataas na antas ng pamahalaan.

Samantala, itinalaga rin ng Pangulo ang Director sa House of Representatives na si Karl Josef Legazpi, bilang second Commissioner-at-Large ng NYC.

Facebook Comments