Duterte to Sara: Dito ka lang sa Davao, kailangan ka ng tao

527
Image via PCOO

Muling pinayuhan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio na huwag balakin tumakbong Presidente o iba pang mataas na posisyon dahil kaakibat nito ay matinding sakripisyo.

“I am discouraging my daughter to run for any national office. Maawa kasi ako (I would just pity her),” sabi ni Duterte sa panayam ni Pastor Apollo Quiboloy.


“It’s an entitlement of honor pero sabihin ko kay Inday at Polong, it doesn’t pay. ‘Wag, ‘Day. Magdusa ka. I have to swallow ‘yung mga ginagawa sa inyo,” dagdag pa niya.

Hiling ni Digong kay Sara, mas mainam kung nasa Davao nalang ito at pagsilbihan ang balwarte.

Binalaan ni PRRD ang anak sa maari niyang sapitin sa oras na balakin niya maging Pangulo.

“As long as we have politicians like Trillanes, itong mga Magdalo. Akala mo kung sila lang rin ang marunong. They think they are the only patriots of this country. ‘Yung mga Otso Diretso. You better…Huwag na lang.”

Matagal nang sinasabi ni Duterte na hindi siya pabor sa pagtakbo nito sa mas mataas na katungkulan.

Facebook Comments

From Advertisers