Manila, Philippines – Sa kabuuang 39 party-list organizations na tumanggap na ng Certificate of Proclamation mula sa Comelec ay hindi pa kasama dito ang Duterte Youth Party-list.
Sa harap ito ng pending na petisyon sa Comelec na kumu-kuwestiyon sa substitution bid ni dating National Youth Commission Chairman Ronald Cardema.
Muli namang nilinaw ng komisyon na hindi makakaupo sa Kongreso sa June 30 ang mga nanalong party-list groups kapag wala silang pinanghahawakan na Certificate of Proclamation.
Limamput isang party-list organizations ang nanalo sa nakalipas na halalan.
Sa naturang bilang, ang ACT-CIS at Bayan Muna party-list groups ang nakakuha ng tig-tatlong pwesto sa Kongreso.
Facebook Comments