Manila, Philippines – Ibibida ni Pangulong Rodrigo Duterte saworld economic forum sa Cambodia ang kanyang ‘Dutertenomics’.
Ang Dutertenomics ay ang economic at development blueprint ngpangulo para sa Pilipinas hanggang sa taong 2022.
Ayon kay Foreign Affairs Spokesman Robespierre Bolivar –nakapaloob dito ang mga programang imprastraktura, social services, fiscalgrowth at iba pa para mapaunlad ang ekonomiya ng Pilipinas.
Pagkatapos ng Cambodia, lilipad ang pangulopatungong Hongkong para makumusta ang mga OFW saka didiretso ng China sa May 13 para dumalosa “One Belt, One Road Forum” kung saan aypersonal siyang inimbitahan ni Chinese President Xi Jingping.
Nakatakdang bumiyahe si Pangulong Rodrigo Duterte pa-Cambodiabukas, May 10 para sa mga nasabing event.
Dutertenomics, ibibida sa world economic forum sa Cambodia, bukas
Facebook Comments