Dutertenomics, ipinagmalaki ng economic managers ni Pangulong Rodrigo Duterte sa investors na dumadalo sa 2017 World Economic Forum on ASEAN sa Cambodia

Manila, Philippines – Ipinagmalaki ng economic managers at ilang Cabinet members ni Pangulong Rodrigo Duterte sa investors na dumadalo sa ginaganap na 2017 World Economic Forum on ASEAN sa Cambodia, ang pagiging mas ligtas ngayon ng Pilipinas para sa mga bumibiyahe at sa mga gustong magnegosyo sa bansa.

Bukod sa seguridad, tiniyak din ng mga ito na walang korapsyon sa bansa sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon.

Kabilang sa mga kumatawan sa Pilipinas para ilahad ang Dutertenomics ay sina Transpiration Sec. Arthur Tugade, Public Works Sec. Mark Villar, Neda Dir. Gen. Ernesto Pernia, Trade Sec. Ramon Lopez, Incoming Foreign Affairs Sec. Alan Peter Cayetano at Energy Sec. Alfonso Cusi.


Dito ay inilatag ni Tugade ang infrastructure projects sa ilalim ng Build-Build-Build program kung saan kabilang dito ang mga airport development partikular sa Tacloban, Davao, Cagayan De Oro, Laoag at Vigan.

Bukod dito aniya ay plano ring magpatayo ng paliparan sa Bulacan na may apat na runway, pagpapaganda sa Clark International Airport sa Pampanga, Subic, Olongapo at Sangley Point sa Cavite.

Kasabay nito, tiniyak nina Cayetano at Lopez na ligtas pumunta sa Pilipinas sa kabila ng mga balita tungkol sa umano’y extra judicial killings na iniuugnay naman sa Duterte anti-drug war.

Anila, batay sa mga survey mas maraming Pilipino ngayon ang nagsabi na mas ligtas sila ngayon.

DZXL558

Facebook Comments