Manila, Philippines – Ibinida ni Pangulong Rodrigo Duterte at ng mga miyembro ng Gabinete nito ang “Dutertenomics” sa isinagawang World Economic Forum on ASEAN kahapon sa Cambodia.
Bilang chairman ng ASEAN, nagbigay ng talumpati ang Pangulo kung saan binigyang-diin nito ang pagpapaunlad ng imprastraktura at maliliit na negosyo.
Dagdag pa ni Duterte, dapat diskarte ng grupo ang masusunod sa direksyong tatahakin ng rehiyon.
Bukod dito, nanawagan din ang Pangulo ng pagkakaisa ng ASEAN para mailigtas sa droga ang mga kabataan.
Samantala sa isang press conference, ipinagtanggol ng mga Gabinete ng Pangulo ang kampanya ng administrasyon kontra droga sa harap ng pangambang lumayo ang mga foreign investors dahil dito.
Ayon kay DTI Sec. Ramon Lopez – mas maraming Pilipino na ang naniniwalang mas ligtas ang bansa ngayon.
Inimbitahan naman ni incoming DFA Secretary Alan Peter Cayetano ang mga foreign media na magpunta ng Pilipinas para makita kung gaano na katahimik at kabukas sa negosyo ang bansa.
DZXL558