
Pinag-aaralan na ngayon ni Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Nicolas Torre III ang pagpapatupad ng eight-hour duty sa kapulisan.
Ayon kay Torre, layon nitong bigyan ang mga pulis ng sapat na oras kasama ang kanilang pamilya.
Pero sinabi ni Torre na kapag ginawa nang ocho oras ang duty ng mga pulis ay dapat walang mga pulis ang nakaupo, nagce-cellphone at nagliliwaliw.
Aniya, dahil mas maiksi na ang kanilang duty, inaasahan nyang hindi magiging patulog-tulog ang mga pulis.
Giit pa ni Torre, naipatupad na nya ito noong sya pa ang district director ng Quezon City Police District (QCPD).
Maliban dito, nais ding ibalik ni Torre ang 3 minute response time ng pulisya na noon ay naipatupad na rin sa QCPD.
Facebook Comments









