Dwayne Wade, posibleng bumalik sa Miami o maglaro sa Los Angeles Lakers

NBA – Sakaling umalis si Dwayne Wade sa Chicago Bulls sa hinaharap ay may dalawang koponan na agad ang pwede siyang tanggapin.

Umugong kasi ang balita na posibleng ibuy-out ng Chicago ang kontrata ni Wade.

Kung mangyayari ito pwedeng maglaro sa ibang koponan ang sikat na point guard.


Ayon pa sa mga usap-usapan pag nangyari ito maaring muling maglaro si Wade sa Miami Heat na kung nakuha niya ang dalawang championship ring sa kaniyang career.

Malaki rin umano ang pagkakataon na maglaro sa Los Angeles Lakers si Wade para magsilbing mentor ng mga batang point guard ng team gaya nina Lonzo Ball at Jordan Clarkson.

Facebook Comments