DWKD RMN Cauayan, Handa na sa Nationwide Christmas Lighting!

99

*Cauayan City, Isabela- *Handa na ang buong staff ng Radio Mindanao Network (RMN) Cauayan branch para sa sabayang Christmas lighting mamayang hapon na isasagawa ng mga RMN Stations sa bansa.

Ito ay pangungunahan ng station manager na si Christopher Estolas sampu ng kanyang mga empleyado bilang pasimulang tradisyon ng RMN ngayong pasko.

Bukod sa pagpapailaw sa Christmas tree ng DWKD RMN Cauayan ay babasahin rin ng station manager ang mga isinabit na Christmas wish mula sa mga pangunahing bisita sa bawat programa ng stasyon at mga tagapakinig.


Kaugnay nito ay mapapanood rin sa FB Live (DWKD 98.5 Cauayan) ang gagawing Christmas lighting at taos pusong pagpapasalamat at pagbati ng RMN Cauayan sa lahat ng mga tagapakinig na naaabot ng stasyon.

Patuloy naman ang pag-imbita ng RMN Cauayan sa lahat ng mga nais na magsabit ng Christmas wish sa Christmas tree ng RMN Cauayan at magpalitrato na rin sa loob ng Broadcast booth.

Facebook Comments