DWPH officials at employees, inatasan ni Sec. Dizon na makipagtulungan sa ICI

Ipinag-utos ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa lahat ng mga opisyal kawani ng kagawaran na makipagtulungan sa binuong Independent Commission for Infrastructure (ICI).

Sa gitna ito ng ginagawang imbestigasyon ng pamahalaan sa mga maanomalya at ghost flood control projects.

Batay sa inilabas na memorandum na pirmado ni DPWH Secretary Vince Dizon, inaatasan ang mga empleyado na magbigay ng full cooperation para makatulong at mapabilis ang imbestigasyon.

Kabilang sa maaaring itulong ng DPWH employees ang pagbibigay ng mga kinakailangang dokumento, testimonya, at impormasyon.

Maaari namang maharap sa kriminal at administratibong aksyon ang mga tauhan na lalabag sa direktiba.

Facebook Comments