DXBC 693 RMN Butuan, nananatiling number 1 radio station sa Butuan City

Patuloy ang pamamayagpag ng iba’t ibang RMN stations nationwide dahil sa walang sawang pagtangkilik ng mga listener.

Kaya naman, sa Official KBP-Kantar Radio Survey 2022, number one pa rin ang mga istasyon ng RMN Butuan sa Butuan City sa Mindanao.

Nangungunang AM radio station pa rin ang RMN-DXBC 693 na may 2.13 rating at 78% market share, kung saan naungusan nito ang Bombo Radyo sa AM Band, gayundin ang iba pang FM stations sa 34% na market share.


Kasama ang sister station na iFM 100.7, ang RMN Networks din ang overall number one radio network sa Butuan City, na may 37% market share.

Patunay lamang ito na ang DXBC at iFM ay ang pinaka-pinagkakatiwalaang radyo dahil sa serbisyo publiko, walang takot at responsableng komentaryo, mabilis at tamang pagbabalita, at mayroon pang mga drama na talaga namang tinatangkilik ng mga Butuanon nationwide at worldwide.

Kasabay nito, ipinaabot naman ni RMN DXBC Butuan Station Manager Ramil Bangues ang taos-pusong pasasalamat sa kanilang mga tapat na tagapakinig, kliyente, at partner sa istasyon.

Ang resultang ito ay isa na namang milestone para sa RMN Networks na nagdiwang ng ika-70 anibersaryo ng pagkakatatag nito noong Agosto.

Facebook Comments