DXMD RMN at 91.9 iFM, nananatiling no. 1 sa GenSan!

Nananatiling number 1 ang RMN Networks sa General Santos City base sa latest Kantar media radio listenership survey.

Lumalabas sa survey na nangunguna pa rin ang RMN kung saan nakakuha ito ng 38.61% market share.

Sinundan ito ng Brigada na may 16.9% market share; Bombo Radyo na may 10.9% market share at ng ABS-CBN na 8.1% market share lamang.


Dinomina rin ng DXMD RMN ang lahat ng AM stations sa General Santos kung saan mayroon itong 60.7% market share kumpara sa mahigpit nitong kalaban na Bombo Radyo na mayroon lamang 36.5% audience listenership.

Habang ang 91.9 iFM pa rin ang nangunguna bilang FM radio station sa GenSan.

Nakakuha ito ng 29.2% market share kumpara sa kalabang istasyon na Brigada News FM na mayroon lamang 24.13% at MOR na may 11.55% listenership.

Ayon kay RMN GenSan Station Manager Inah Daven – nananatiling silang number 1 sa puso ng mga tagapakinig dahil sa patas at may integridad na pagbabalita.

Lubos ding nagpapasalamat si iFM GenSan Station Manager Armard Enriquez sa tiwala at suportang kanilang natatanggap.

Kaya naman, ipinapaabot ng RMN Manila team ang pagbati sa buong pwersa ng RMN at iFM sa GenSan para sa kanilang panibagong tagumpay.

Facebook Comments