DYHB RMN at iFM 94.3, nananatiling number 1!

Isang magandang bungad sa pagsisimula ng taon mga Radyoman!

Muling kinilala ang DYHB RMN Bacolod bilang dominant AM radio station sa lungsod matapos na tumaas ng 60% ang ratings nito na nakakuha ng 50.93% share sa lahat ng AM stations.

Habang triple naman ang itinaas ng ratings ng iFM Bacolod na ngayon ay pang-apat na mula sa ika-anim na puwesto.


Samantala, nangunguna rin ang RMN Bacolod na may 25.2% market share, sinundan ng ABS-CBN, partikular ang MOR FM na may 22.9% at MBC (Aksyon Radyo, Love Radio at Easy Rock) na may 20.9%.

Kaugnay nito, nagpaabot ng pasasalamat ang station manager ng DYHB RMN Bacolod na si Jeony Bigay sa lahat ng kanilang mga tagapakinig.

Dahil sa walang suporta ng ating mga ka-Radyoman, sinabi naman ni iFM 94.3 Bacolod station manager Serafin Plotria – dominante ang RMN sa buong Bacolod.
Congratulations mga Radyoman!

Facebook Comments