DYHP RMN Bacolod, ginawaran bilang Best Provincial AM Station sa 26th KBP Golden Dove Awards

46

Manila, Philippines – Malugod na binabati ng RMN Networks ang ating mga ka-RadyoMan na nag-uwi ng parangal sa kakatapos na 26th Golden Dove Awards ng Kapisanan ng Mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP).

Nagwagi bilang Best Provincial AM Radio Station ang DYHP 747 RMN Bacolod sa pangunguna ng kanilang Station Manager na si Jeony Digay habang nominado bilang Best Provincial Public Affairs Program ang ‘Straight to the Point Bacolod’.

Naiuwi naman ni RadyoMan Doc Jaime Galvez Tan ng DWWW 774 ang Best Public Service Host Award.

Nominated naman ang ating mga kasama sa DZXL RMN Manila na sina Radyo Man Buddy Oberas bilang Best Newscaster at si Radyo Man Grace Mariano bilang Best Reporter.

Pasok din sa nominasyon ang programa ng DZXL RMN Manila na ‘Sports Talaga’ ni Francis Malicdem.

Facebook Comments