Maaring gamitin ng mga babaeng empleyado ang “dysmenorrhea leave” sa pamamagitan ng collective bargaining agreement sa kani-kanilang mga employer.
Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III – bagamat walang batas na nagpapahintulot sa mga babaeng manggagawa na mag-leave dahil lamang sa menstrual cramps, maaaring mapagkasunduan ito sa ilalim ng mutual agreement sa pagitan nila at kanilang employer.
Ang dysmenorrhea ay isang pananakit ng lower abdomen na nakakaapekto sa mga kababaihan bago at habang menstrual period, nagtatagal ito ng dalawa hanggang apat na araw.
Facebook Comments