Nagpahayag ng kasiyahan si Bb. Erika Canoy-Sanchez, VP for Content and Marketing ng Radio Mindanao Network, Incorporated sa tagumpay ng DZXL Radyo Trabaho team matapos na mahirang ang DZXL 558 RMN Manila bilang Official Radio Partner ng katatapos na 3 araw na Kabisig Philippine Government Expo and Trade Fair sa Trinoma Activity Center.
Bukod dito, habang nasa trade fair ay nakita ni Canoy-Sanchez na epektibo ang Trade Fair para ilapit ng personal sa mamamayan ang DZXL Radyo Trabaho at magkaunawaan sa mga bagay-bagay na may kaugnayan sa kabuhayan at pag-unlad ng isang indibidwual.
Sa 3 araw na pakikisalamuha ng DZXL Radyo Trabaho team sa mga nagmasid at nagtanong na mga expectators, umabot sa humigit kumulang 300 katao ang naserbisyuhan nito.
Sa pagtatapos ng aktibidad, masayang tinanggap ni Bb. Lou Panganiban, Executive Producer at team leader ng DZXL Radyo Trabaho, gayundin ng mga kinatawan ng iba pang dumalo sa Trade Fair ang sertipiko ng pagkilala at pasasalamat.
Ani Panganiban, isang malaking oportunidad ang ibinigay ng kabisig para sa DZXL Radyo Tabaho dahil mula sa pagkahirang nito sa himpilan bilang Official Radio Partner mananatiling kaagapay nito ang DZXL Radyo Trabaho sa pagpapakalat ng kaalaman tungkol samga serbisyong hatid ng pamahalaan.
Ang radyo trabaho ay binubuo ng programang Centro Serbisyo, Meet The Boss at Usapang Trabaho kasama na ang segment na Job Openings na pagbibigay ng trabaho sa ating mga kababayan.