DZXL Exclusive: Pamilya Talibong, nanawagan ng hustisya sa pagkamatay ng kanilang ka-anak

244

Humihingi ng hustisya si Melva Talibong sa pagkamatay ng kanyang anak na si Mike Nathaniel Talibong.

Kasunod na rin ito ng paniwala ng matandang Talibong na pinatay ang kanyang anak.


Sa esklusibong interview ng programang Pulso ng Metro ng DZXL-RMN MAanila, sinabi ni Aling Melva na maliban sa mga sugat sa labi at sa ilang bahagi ng katawan, nakakita ng dugo rin sa faceshield ng kanyang anak na nakatago sa kanyang mga gamit.

Sinabi rin ni Aling Melva na may mga gamit din ang anak na hindi na nakita kabilang ang kwintas na ibingay nito sa kanya.

Sa ngayon ay hinihintay pa ng pamilya Talibong ang resulta ng autospy ng katawan ng kanilang anak upang malaman ang tunay na dahilan ng pagkamatay ni Mike.

Ngayong araw, inaasahang malalaman naman ang CCTV malapit sa bahay ni Mike na posibleng magbigay ng impormasyon sa kanyang pagkamatay.



Facebook Comments