DZXL News at Maynilad, nakiisa sa 2024 International Coastal Clean-Up Day ngayong araw; higit isang libong kilo ng basura, nahakot

Nakiisa ang DZXL News – RMN Manila, katuwang ang Maynilad Water Services, Inc sa 2024 International Coastal Clean-Up Day ngayong araw, Sept. 21, 2024 sa SM By the Bay sa Pasay City.

Sabayang nagsagawa ng paglilinis sa coastal areas ang mga volunteer mula sa ibat ibang organisasyon, Non-Government Unit, mga kabataan sa pangunguna ng Department of Environment and Natural Resources.

This slideshow requires JavaScript.


Aabot sa 1,305 kilos ng ibat bang klase ng basura ang hakot ng mga volunteer mula sa Maynilad, DZXL News, RMN Head Office at DWWW.

Isa ang International Coastal Clean-Up sa pinakamalaking aktibidad na taunang idinaraos sa buong mundo.

Layo nitong protektahan ang ating karagatan, mabawasan ang marine debris na maaaring nakasama sa lamang dagat at mga isda atisulong ang kamalayan sa polusyon sa dagat.

Noong nakaraang taon, umabot sa mahigit 100,000 kilos ng basura ang nakolekta ng 17,000 volunteers sa ibat ibang lugar sa bansa.

Facebook Comments