DZXL News at RMN Foundation, pinangunahan ang “Ma. Corrina Canoy Feeding Program” sa Mandaluyong Addition Hills Elementary School

Sinimulan na ng DZXL News at RMN Foundation ang Ma. Corrina Canoy Feeding Program sa Mandaluyong Addition Hills Elementary School sa Mandaluyong City.

Ito’y bilang bahagi ng ika-12 anibersaryo ng RMN Foundation.

Tinatayang nasa 1,000 estudyante ang magbe-benipisyo sa feeding program na pinangunahan ng DZXL News.


Bukod sa pagkain, bawat bata ay bibigyan ng personal hygiene at mga laruan habang mag-eenjoy rin sila sa mga palaro na hatid ng DZXL News.

Katuwang sa nasabing aktibidad ang Villar Foundation, ACS, Unique Toothpaste, Shield Anti-Bacterial Soap at Maynila kasama ang mga opisyal ng Barangay at Sangguniang Kabataan ng Addition Hills sa Mandaluyong City.

Facebook Comments