DZXL News, DWWW 774 at 93.9 iFM Manila, humakot ng parangal sa Philippine Fashion Trends Awards

Humakot ng iba’t ibang parangal sa katatapos lamang na Philippine Fashion Trends awards ang DZXL NEWS – RMN Manila, ang ating FM station na 93.9 iFM Manila at sister company na DWWW 774.

 

Kinilala ang DZXL News bilang “best in news and public affairs” habang ginawaran naman ng “outstanding news anchor of the year” ang nag-iisang “Radyoman Rod Marcelino”.

 

Samantala, most outstanding radio personality ang ibinigay na parangal kay DJ Johnny Bukol ng iFM 93.9 Manila at most outstanding AM radio for music and news naman para sa DWWW 774 at most outstanding DJ at host naman si DJ George Castro.


 

Ang mga parangal na ito ay iniaalay namin sa inyong mga masugid naming tagapakinig at makakaasa kayong lalo pa naming pag-iigihan ang paghahatid ng komprehensibong balita, serbisyo publiko at entertainment.

 

Muli, maraming salamat mga Kasama, ka-Newsic, at mga Idol!

Facebook Comments