DZXL News, pinarangalan sa Malabon Business Week 2025

Nakatanggap ng special citation ang DZXL News sa ginanap Na “Araw Ng Pasasalamat: Malabon Business Week 2025” kahapon, Oktubre 17, 2025.

Pinangunahan ang selebrasyon nina Malabon City Mayor Jeannie Sandoval at city administrator atty. Alexander rosete, kung saan kinilala ang mga indibidwal, grupo, at negosyo na may mahalagang ambag sa pag-unlad ng lokal na ekonomiya at sa patuloy na pag-asenso ng lungsod.

Kabilang ang DZXL News sa mga pinarangalan dahil sa aktibong pagsuporta nito sa mga programang inilulunsad ng lungsod partikular na sa mga mega job fair na inorganisa Ng Public Employment Service Office (PESO) ng Malabon. kinilala rin ang programang “Radyo Sustansya” ng DZXL News, kung saan isinagawa ang feeding program sa Potrero Elementary School noong Setyembre.

Lubos ang pasasalamat ng DZXL News sa karangalang ipinagkaloob ng Malabon LGU, at patuloy ang aming pangakong maging katuwang sa pagbibigay-serbisyo sa mamamayan.

Facebook Comments