DZXL News Pulso ng Metro, mamimigay ng maagang handog pamasko sa lungsod ng San Juan ngayong araw

29

51 days bago ang araw ng pasko, mamimigay na ng maagang regalo ang Pulso ng Metro ng DZXL 558 Radyo Trabaho sa lungsod ng San Juan.

Ngayong araw, “manghuhuli” ang Pulso ng Metro Team sa walong TODA o Tricycle Operators and Drivers Association sa pitong barangay sa lungsod.


Kabilang rito ang Brgy. Balong Bato, Sta. Lucia, Kabayanan, Batis, Pedro Cruz, Isabelita at Tibagan.

Narito ang walong terminal na babalikan na grupo na una nang nadikitan ng stickers ng DZXL Radyo Trabaho at Pulso ng Metro.

– F. Roman TODA sa Brgy. Balong Bato
– Sto. Turibio TODA sa Brgy. Sta. Lucia
– Bluman TODA sa Brgy. Kabayanan
– J. Basa TODA at P. Guevarra TODA sa Brgy. Isabelita
– SM TODA sa SM Center Point
– Agora TODA sa Brgy. Pedro Cruz
– Don Man TODA sa Brgy. Batis at Brgy. Tibagan

Laman naman ng DZXL Radyo Trabaho noche buena bag ang pang-fruit salad, pang-spaghetti, at pang-macaroni salad.




Mamimigay rin tayo ng limited Radyo Trabaho merch item.

Facebook Comments