DZXL Radyo Trabaho at Manila Bulletin, nagsanib pwersa para maghatid ng serbisyo sa mga naghahanap ng trabaho

39

Magtatambal para sa paghahatid ng serbisyo ang DZXL Radyo Trabaho at Manila Bulletin (MB) para ilapit ang libu-libong trabaho sa mga naghahanap ng ikabubuhay dito sa bansa o maging sa ibayong dagat.

Sugod na sa Manila Bulletin Classifieds Job Fair na gaganapin ngayong araw hanggang bukas sa Skydome ng SM North EDSA, Quezon City.


Magbubukas ang job fair mamayang alas-10:00 ng umaga hanggang alas-7:00 ng gabi.

Libu-libo ang mga trabahong ang naghihintay kaya ano pang hinihintay mo, maghanda ng maraming updated resume at magtungo na inihandang job fair ng MB katuwang ang DZXL Radyo Trabaho, ang inyong gabay sa hanapbuhay!

Facebook Comments

From Advertisers