Kasabay ng selebrasyon ng Nutrition Month, mamimigay ng libreng pagkain ang RMN DZXL 558 Radyo Trabaho at RMN Foundation sa pinakamalaking vaccination site sa lungsod ng Marikina.
Ngayong tanghali mamahagi ang team ng Radyo Trabaho at RMN Foundation ng food packs sa vaccination site sa Marikina Sports Center.
Nasa 200 ang target na benepisyaryo mula sa mga residenteng nakaschedule ngayong araw para sa 1st at 2nd dose ng COVID-19 vaccine.
Ang aktibidad na ito ay isinagawa na rin ng iba’t ibang RMN station nationwide bilang pakikiisa sa Buwan ng Nutrisyon.
Ang Buwan ng Nutrisyon ay isinasagawa para mabigyan ng kamalayan ang bawat Filipino sa kahalagahan ng nutrisyon.
Ang aktibidad na ito ay isinagawa na rin nang iba’t ibang RMN station nationwide katuwang ang Virginia Food Incorporated bilang pakikiisa sa Buwan ng Nutrisyon.
Samantala, sa mga gustong tumulong, maari kayong magpadala ng inyong donasyon sa BPI account no. 0071-1015-25 o makipag-ugnayan sa RMN Foundation Facebook page o mag-email sa rmnfoundation@rmn.ph.