DZXL Radyo Trabaho, bumisita sa Pateros Public Employment Service Office

Muling binalikan ng DZXL Radyo Trabaho ang Pateros Public Employment Service Office (PESO) para buhayin ang pakikipag-partner upang mabigyan ng trabaho ang mga residente ng Pateros.

 

Sabi ni Pateros PESO Manager Analiza Aguilon na noong pandemya ay umaasa lamang sa Tupad dahil hindi pwede mag face-to-face para mag-interview pero sa pamamagitan ng online na karamihan ay mga call center ang nakinabang kaya’t mga 20% lamang ang nakukuha ng Pateros LGU.

Paliwanag pa ni Aguilon, dumarami ang mga unemployment na umaabot sa 1,000 noong pandemic pero sa ngayon ay nakarekober na aniya sila kaya mga 10-20 percent na lamang ang unemployment.


Aniya, napakarami na ang nabigyan ng trabaho sa pamamagitan ng Tupad na umaabot sa mahigit 6,000 ang kanilang nabigyan ng ayuda sa loob ng 10 araw base sa ibinigay ng DOLE.

Dagdag pa ni Aguilon, mayroon silang Facebook page kung saan doon sila nagpo-post para sa mga nangangailangan ng trabaho kaya’t napakalaking tulong umano ang ginagawa ng DZXL Radyo Trabaho upang lalong maihatid ang kanilang pagbibigay serbisyo.

Facebook Comments