DZXL Radyo Trabaho, magco-courtesy visit naman ngayong araw sa Taguig City PESO

Naghahanda na ang team ng DZXL Radyo Trabaho para sa courtesy visit ngayong araw sa Taguig City PESO (Public Employment Service Office).

 

Kumpleto ang team na aalis sa pangunguna ni DZXL Radyo Trabaho Station Manager Buddy Oberas at Usapang Trabaho host Ramcy Tirona.

 

Makikipagkumustahan ang team mamayang alas-9:00 ng umaga kay Taguig City PESO Manager Norman Mirabel.


 

Simula 2019 ay katuwang na ng Taguig PESO ang DZXL Radyo Trabaho sa pag-aanunsyo ng mga proyekto at aktibidad na may kinalaman sa trabaho tulad ng pagsasagawa ng local recruitment activity at mga job fair.

 

Madalas ding kausap ng Usapang Trabaho program ang Taguig PESO dahil sa dami ng alok na trabaho ng kanilang lungsod tulad ng construction, sales at BPO.

 

Ito na ang ika-anim na lungsod na bibisitahin ng ating grupo matapos ang naging pagdalaw sa PESO Quezon City, Manila, Pasay, Las Piñas at sa tanggapan ni Malabon City Mayor Jeannie Sandoval.

 

Sa susunod na linggo abangan ninyo ang panibagong lungsod na dadalawin ng DZXL Radyo Trabaho team.

Facebook Comments