DZXL Radyo Trabaho, maghahanap ng mga maswerteng tsuper sa QC bilang bahagi ng Stickering Campaign

Balik kalsada ang team ng DZXL Radyo Trabaho ngayong araw sa pagpapatuloy ng stickering campaign.

Sa unang pagbaba ngayong 2021 ay magdidikit ang team ng DZXL Radyo Trabaho stickers kabilang na rito ang ‘No Smoking’ stickers sa iba’t ibang Tricycle Operators and Drivers Association (TODA) sa lungsod ng Quezon.

Abangan din ang ‘Huli Cash’ sa pagbabalik ng DZXL Radyo Trabaho Team kung saan ang mahuhuling tsuper na may DZXL Radyo Trabaho stickers ay siyang mananalo ng cash.


Matatandaang noong nakaraang taon, mahigit 600 tricycle mula sa lungsod ng San Juan, Caloocan, Pasig at Taguig ang nadikitan ng Radyo Trabaho at Pulso ng Metro stickers.

Nasa 50 maswerteng tricycle driver dito ang nahuli ng ating team na may Radyo Trabaho stickers kung saan nakapag-uwi sila ng maagang pang-noche buena items.

Sa Huwebes, abangan ang susunod na lungsod na bibisitahin dahil baka ang TODA niyo na ang sunod na madikitan ng DZXL Radyo Trabaho stickers.

Facebook Comments