Handa na ang kauna-unahang “recorida” o ang pagbaba ng DZXL Radyo Trabaho team ng DZXL 558 RMN Manila sa mga barangay.
Mag-iikot ang Radyo Trabaho team sa sampung piling barangay sa Tondo, Manila (1st District).
Kabilang sa mga barangay na ito sa 1st District ang Barangay 112, 109, 97, 85, 67, 66,43, 50, 48 at Barangay 41.
Dito magsasagawa ng flyring, stickering at pag-anunsyo sa mga programang nakapaloob sa Radyo Trabaho block na mapapakinggan mula alas-9:00 ng umaga hanggang alas-12:00 ng tanghali.
Paraan ito ng ating network na para maiparating sa mga kabarangay natin sa Tondo, Manila kung ano ang maari nating maitulong sa kanila lalo at higit sa mga naghahanap ng trabaho.
Gayundin ang iba’t-ibang serbisyo na libre maibibigay sa kanila tulad ng mga may katanungan sa SSS, PhilHealth, Pag-IBIG, OWWA, POEA, PVAO, DOLE at marami pang iba.
Magsisimula ang recorida mamayang alas-8:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon.
Batay sa 2015 census (National Statistics Office) Tondo ang may pinakamalaking bilang ng populasyon sa Manila na may kabuuang 631,363.