Bibisita ngayong araw ang Radyo Trabaho team ng DZXL 558 – RMN Manila sa tanggapan ng Department of Labor and Employment (DOLE).
Mamayang alas-3:00 ng hapon magkakaroon ng courtesy call ang Radyo Trabaho team kay Labor Secretary Silvestre “Bebot” Bello III.
Dito ay pag-uusapan ng dalawang panig ang mga plano at panukala ng Radyo Trabaho team kung papaano magtutulungan sa pagpapakalat ng mahahalagang impormasyon at kaalaman gayundin sa panig ng labor department.
Ilalatag din ng grupo ang iba’t-ibang programa na nakapaloob sa Radyo Trabaho at ipakikilala ang mga pangalang nasa likod at harap ng ating programa.
Una rito, nabisita na ng Radyo Trabaho team ang tanggapan ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) at Civil Service Commission (CSC).
Simula nang ilunsad noong nakaraang taon ang Radyo Trabaho sa DZXL 558 ay naikot na ng RT team ang buong PESO o Public Employment Service Office dito sa Metro Manila maging ang pagbisita sa PESO Lipa, Batangas at PESO Bacoor City sa Cavite.