DZXL Radyo Trabaho Mini Job Fair, umarangkada na!

Makati City – Umarangkada na ang kauna-unahang mini job fair ng DZXL Radyo Trabaho ngayong araw.

Alas 9:00 kaninang umaga nang magsimulang magsidatingan dito sa istasyon ng DZXL 558 sa Guadalupe, Makati City ang mga aplikante.

Mahigit isang libong job opportunities ang alok sa mga pursigidong aplikante gaya ng sales staff, client care specialist, project engineer, HR officer, social media marketing staff, construction supervisor and manager, electrician, welder, driver at iba pa.


Kabilang naman sa mga nakiisang kompanya ay ang:

– Ble Best Manpower International Services, Inc.

– Citi Global Reality And Development, Inc.

– Harem, Inc.

– Hernando Manpower Services

– Jolly Managerment Solutions, Inc.

– Mrs. Wood Industries and Construction

– Philman Power Center

– Prime Mover Business Solutions, Inc.

– STBN Manpower Agency and Allied Services Corporation

Samantala, sa isang maikling programa pinuri at pinasalamatan ni PESO Association of Metro Manila President Emma Javier ang pakikipagtulungan ng DZXL sa pagbibigay ng trabaho at mabawasan ang unemployment sa bansa.

As of 12:00 noon umabot na sa halos animnapung aplikante ang nagpalista sa ating job fair na magtatagal hanggang mamayang alas 4:00 ng hapon.

Facebook Comments