Katuwang na ng Radyo Trabaho ng DZXL RMN Manila ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) sa paghahatid ng serbisyo at tulong sa mga kababayan nating naghahanap ng trabaho.
Kahapon, binisita ng RT team sa pangunguna ni RMN VP for Content and Marketing Erika Canoy-Sanchez at DZXL OIC Station Manager Buddy Oberas ang opisina ni TESDA Director General Isidro Lapeña.
Dito napagtibay pa ang magandang ugnayan kung paano magtutulungan ang dalawang tanggapan para tugunan ang kahirapan sa pamamagitan ng pagsasailalim ng mga manggagawa sa TESDA trainings.
Patunay na lamang na ang DZXL Radyo Trabaho ay hindi lamang oportunidad ang inihahatid sa mga tagapakinig nito kundi pati na rin ang kasanayan o skills sa trabahong papasukin ng mga ito.