Manila, Philippines – Bukod sa paghahanap ng trabaho, ilang usapin o problema sa barangay ang inilapit sa pag-iikot-ikot ng Radyo Trabaho team ng DZXL 558 RMN Manila sa mga barangay sa Tondo, Maynila.
Kahapon, kinamusta ng RT team ang mga Barangay 58, 51, 61, 56, 72,73, 120, 116 at 119 sa Tondo at ipinakilala ang iba’t ibang programa ng Radyo Trabaho ng DZXL 558 RMN Manila.
Ilan sa mga idinulog sa RT team ay ang maging benipisyaryo ng 4Ps ng ilang sa mga mahihirap na mamamayan at baradong drainage system ng Barangay 119.
Ganito rin ang problema sa Barangay 72 habang pagsasa-ayos ng kanilang seguridad ang hiling sa Barangay 61.
Samantala, pagkakakitaan o trabaho para naman sa mga senior citizen ang panawagan sa Barangay 120.
Sisikapin naman tulungan ng Radyo Trabaho ng DZXL 558 RMN Manila ang mga ito habang mag-iikot-ikot pa ang RT team sa nalalabi pang barangay sa Tondo sa lungsod ng Maynila.