Magtutungo ngayong araw ang team ng DZXL 558 Radyo Trabaho sa Tanggapang Pambayan sa Pamamasukan o Public Employment Services Office (PESO) sa lungsod ng valenzuela.
Ito ay para sa panibagong courtesy visit kay Valenzuela City PESO Manager Josephine ‘Ophie’ Pascual Osea.
Tulad ng ibang PESO sa National Capital Region (NCR), palagi rin naiimbitahan ang DZXL Radyo Trabaho sa mga malakihang job fair at mga programa ng lungsod.
At dahil sa mga matagumpay nilang job fair ay tatlong beses nang iginawad ang National Best PESO sa Valenzuela PESO kasabay nito ang pagkakasungkit nila ng Hall of Fame award noong 2019.
At sa muling pagbisita ng ating grupo ngayong araw ay kakamustahin natin ang kanilang mga programa at mga nakahandang aktibidad para sa mga Valenzuelano.
Kasabay nito ang pagpapakilala natin sa ilang personalidad at mga taong bumubuo sa likod ng DZXL Radyo Trabaho team.
Ito na ang pang-pitong Tanggapang Pambayan sa Pamamasukan na bibisitahin ng DZXL Radyo Trabaho team.