DZXL RMN Manila, strong number 4! base sa pinakabagong Nielsen survey

Good news mga ka-Radyoman!

Nasa strong number 4 na ang DZXL 558 RMN Manila!

Batay ito sa latest survey ng Nielsen sa Metro at Mega Manila.


Batay sa Nielsen survey, tumaas ang ratings at shares ng DZXL 558 RMN Manila sa mga nakalipas na buwan mula nang i-launch ang Radyo Trabaho.

Makikita rin sa survey na pumalo nang husto ang ratings ng DZXL 558 noong November 2018 at napanatili nito ang magandang ratings hanggang nitong January 2019.

Nakuha rin ng DZXL 558 ang highest time spent listening sa lahat ng AM stations sa Mega at Metro Manila.

Ibig sabihin, nadomina ng DZXL 558 ang mga kalabang istasyon nito tulad ng DZMM, DZBB at DZRH partikular na tuwing alas otso ng umaga hanggang alas dose ng tanghali dahil sa programang Radyo Trabaho.

Kaya naman lubos na nagpapasalamat ang buong team ng DZXL 558 RMN Manila sa tiwala at suporta ng lahat ng mga nakikinig.

Facebook Comments