DZXL Special Report, wagi sa Bright Leaf Agriculture Journalism Award

Ginawaran ng parangal bilang “Best Agriculture Radio Program” ang DZXL News Special Report na pinamagatang “Agri At Home.”

Ang “Agri At Home” ay serye ng iba’t ibang report ni Radyoman Zhander Cayabyab hinggil sa pagtatanim ng gulay at pag-aalaga ng hayop sa bakuran na sumahimpapawid sa DZXL News ngayong 2023.

Magkasamang tinanggap nina RMN Executive Vice President at Chief Operating Officer Enrico Canoy at Radyoman Zhander ang tropeo sa awarding ceremony sa Makati kagabi.


Ang Bright Leaf Journalism Awards ay prestihiyosong gawad sa mga mamamahayag sa radyo, telebisyon, diyaryo, at online na sinala ng mga hurado mula media at akademiya.

Facebook Comments