Isinulong ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto na bukod sa tobacco products ay dapat patawan din ng buwis ang E-cigarette at Vapes.
Pero ayon kay Recto, dapat mas mababa ang buwis na ipapataw sa nabanggit na mga produkto kumpara sa sigarilyo.
Katwiran ni Recto, mas mababa kasi ang masamang epekto nito sa kalusugan kumpara sa paninigarilyo.
Ginawa ni Recto ang mungkahi sa kanyang interpelasyon sa panukalang taasan pa ang buwis sa sigarilyo.
Layunin ng tax hike sa sigarilyo na mapunuan ang pondong kailangan para sa implementasyon ng Universal Health Care Program.
Sabi ni Recto, makakadagdag din sa nabanggit na pondo kung itataas pati ang buwis sa asukal.
Facebook Comments