
Nasamsam ng mga awtoridad sa kinasang buy-bust operation ang mga e-cigarette na naglalaman ng aktibong sangkap ng marijuana o Tetrahydrocannabinol o THC sa kahabaan ng C. Padilla Street, Barangay Duljo, Cebu City.
Kinilala ang mga suspek na sina alyas Finley, 18 taong gulang, isang ALS student at si alias “Jeric”, 30 taong gulang.
Habang ang target ng nasabing operasyon na si alyas Zairah ay nakatakas naman.
Narekober sa kanila ang 20 piraso ng e-cigarette na tinatayang nagkakahalaga ng P50,000, buy-bust money at iba pang ebidensiya.
Kaugnay nito, ang mga nakumpiskang ebidensya ay isinailalim sa pagsusuri habang ang dalawang naarestong suspek ay nasa kustodiya ng Philippine Drug Enforcement Agency Region 7 detention facility sa Lahug, Cebu City.










