E-cigarettes at vapes, tataasan ng buwis

Plano ng Department of Finance (DOF) na itaas ang buwis sa electronic cigarettes at vapes.

Ayon kay Finance Assistant Secretary Tony Lambino, ipinapanukala ang pagpapatupad ng excise tax sa alternative cigarettes na papantay sa 45 pesos tariff sa kada pakete ng sigarilyo na magiging epektibo sa susunod na taon.

Ang presyo ng e-cigarettes ay ibababa sa 10 pesos sa isang 10 milliliter vapor product.


Ang sin tax nito ay tataas ng limang porsyento sa mga susunod na taon.

Ipinapanukala rin ng Finance Department na limitahan ang ‘juice’ flavors ng vape sa dalawa: regular tobacco flavor o regular menthol flavor.

Ang iba’t-ibang flavor kasi ng vape ay humihikayat sa mga kabataan na gamitin ito.

Facebook Comments