E-cigarettes, pinapa-regulate sa pamahalaan

Manila, Philippines – Pinare-regulate ng Kamara ang mga e-cigarette sa bansa kasunod na rin ng mga nag-lalabasang pag-aaral tungkol sa negatibong epekto nito sa kalusugan.

Sa House Bill 5099 na inihain ni AAMBIS-OWA Partylist Representative Sharon Garin, lahat ng uri ng electronic nicotine at electronic non-nicotine delivery systems gayundin ang heat-not-burn devices, at electronic cigarettes ay pinapasailalim sa kontrol ng pamahalaan.

Iginiit ni Garin na batid niya ang pagkakaroon ng alternatibo sa paggamit ng tobacco pero dapat itong ma-regulate dahil maraming stakeholders ang maaapektuhan.


Aniya, apektado ng e-cigarettes ang iba pang factors tulad ng interes at kabuhayan ng mga tobacco farmers.

Bukod pa ito sa tumataas na concern ng pamahalaan pagdating sa kalusugan ng mga mamamayan at pagbibigay proteksyon sa mga menor de edad at sa mga hindi naman naninigarilyo.

Naniniwala ang kongresista na kung magkakaroon ng regulasyon at mga polisiya sa e-cigarettes ay makakatulong ito para mapababa ang masamang epekto sa kalusugan.

Facebook Comments