E-commerce/online marketing platform ng DSWD, umarangkada na!

Umarangkada na ang ProdukTodo, isang e-Commerce/Online marketing platform sa ilalim ng Sustainable Livelihood Program (SLP) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Layon nito na maitaguyod ang ang mga dekalidad na produkto ng mga SLPA Associations at individual na program participants.

Katuwang ng DSWD ang Shopmasy at Reselle bilang e-commerce partners kung saan matatagpuan ang mga produkto mula sa iba’t ibang SLPA.


Sinabi ni DSWD Secretary Rolando Bautista sa tulong ng ProdukTodo, mai-a-angat ang antas ng pamumuhay ng mga mahihirap sa pagbibigay ng oportunidad na maibenta ng mga ito ang kanilang produkto.

Facebook Comments